Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
Bandang 6:30pm noong ika-17, isang pedestrian ang nabangga ng isang motorsiklo sa isang prefectural road sa Tsukuba City, Ibaraki Prefecture, na nagresulta sa pagkamatay ng parehong lalaking pedestrian at ang nakamotorsiklo.Ayon sa ulat ng NTV News at Ayon sa pulisya, bandang alas-6:30 ng gabi noong ika-17, iniulat ng isang dumaan na isang lalaki ang nabangga ng motorsiklo at nakahandusay sa prefectural road sa Yatabe, Tsukuba City. Kapwa kumpirmadong patay ang pedestrian na nasa edad 50 at ang nakamotorsiklong nasa edad 20 matapos dalhin sa ospital. Pinaniniwalaang binabaybay ng nakamotorsiklo ang prefectural road nang makabangga ang isang lalaking pedestrian na tumatawid sa kalsada, dahilan para matumba ang motor. Naganap ang aksidente sa isang tuwid na kalsada na may dalawang lane sa bawat direksyon na walang mga crosswalk o traffic lights, at kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang eksaktong dahilan ng aksidente.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan