PORTABLE FAN NA ISINASABIT SA LEEG MAY POSIBLENG SUMABOG
Noong Hunyo 13, nag-post ang Amagasaki City Fire Department ng video na pinamagatang “Portable Fan Explodes” sa kanilang opisyal na Instagram account. Makikita sa video ang isang portable fan na nakasabit sa leeg ng isang mannequin na sumasabog na may malakas na “pagputok” na tunog.
Ayon sa Withnews, maraming tao ang hindi aware sa panganib na dala ng portable fan lalo na ang mga inilalagay sa leeg. Tungkol naman sa sanhi ng pagsabog ng portable fan, ipinaliwanag ng fire department ng lungsod na wala naman problema kung gagamitin ito ng normal ngunit kung mahulog ito or ma-overcharge, may posibilidad na ito ay sumabog.
Ayon sa NITE, bagama’t madali at maginhawa ang portable fan, 47 na aksidente ang naiulat sa loob ng tatlong taon mula 2019 hanggang 2021. Dagdag pa rito, kung matukoy na mahirap harapin ang usok o sunog, atbp.,nanawagan ito ng agarang paglikas at tumawag sa 119.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”