今週の動画

MAYOR NG HIMEJI CITY, KINUKUNSIDERA ITAAS ANG ENTRANCE FEE SA HIMEJI CASTLE NG 4 NA BESES PARA SA MGA TURISTA

Inihayag ni Mayor Hideyasu Kiyomoto ng Himeji City sa isang internasyonal na kumperensya na ginanap sa lungsod noong ika-16 na  kasalukuyang kinukunsidera ang pagtaas ng entrance fee sa Himeji Castle ng humigit-kumulang apat na beses para sa mga dayuhang turista lamang. Gusto daw niyang gamitin ang pera para labanan ang overtourism at para sa pagpapaayos ng kastilyo.

Ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun, sinabi ni Mayor Kiyomoto sa pulong ang entrance fee sa castle ay nasa halagang $7 at planong gawin itong $30 para sa turista at $5 naman sa mga residente (ang rate ay basa sa palitan na 1 USD = 157 yen).

Ayon sa website ng lungsod, sa kabuuang bilang ng mga bisita sa Himeji Castle noong piskal na 2023 (humigit-kumulang 1.48 milyong tao), ang mga dayuhang turista ay umabot sa 30%, o humigit-kumulang 450,000 katao.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!