今週の動画

DALAWANG JAPANESE NAWALA HABANG NAGHI-HIKING SA PAKISTAN

Dalawang Japanese na lalaki na nawawala habang umaakyat sa hilagang Pakistan, kung saan nakalinya ang ilan sa mga pinakamataas na mountain peaks sa mundo ang natagpuan ng helicopter na gamit sa search and rescue. Gayunpaman pa alam ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Ayon sa ulat ng Jiji.com, ang mga hiker na sina Ryuseki Hiraoka at Atsushi Taguchi ay parehong naglalayon na maabot ang tuktok ng Mount Spantik, na 7,027 metro above sea level sa bundok ng Spantik. Noong ika-13, natagpuan ng isang military helicopter ang dalawang lalaki sa  ngunit nasuspinde ang paghahanap dahil sa masamang panahon.

Sinubukan nilang maabot ang summit nang walang tulong ng mga porter. Huling nakita ang dalawa noong Hunyo 10 sa taas na mahigit 5,000 metro ngunit walang kontak sa base camp mula nang magsimula silang umakyat. Napansin ng isa pang pangkat ng mga Japanese climber na nawawala ang pares mula sa Camp 2, sa taas na humigit-kumulang 5,650 metro, noong ika-11, at iniulat ang insidente.

 

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!