今週の動画

5 SIYUDAD SA OSAKA MAGSISUMULA NG BAGONG DAY CARE SYSTEM

Simula sa Hulyo, limang lungsod sa Osaka Prefecture, kabilang ang Osaka at Higashi Osaka, ay maglulunsad ng trial system na “こども誰でも通園制度” na ang ibig sabihin ay any child can attend the school.

Ayon sa Sankei Shimbun, ang sistemang ito ay nagpapahintulot sa mga bata na makapasok sa daycare anuman ang katayuan sa trabaho ng kanilang mga magulang.

Plano ng pambansang pamahalaan na ipatupad ang sistemang ito sa buong bansa simula sa fiscal year ng 2026, bilang bahagi ng mga pagsisikap na tugunan ang bumababang rate ng panganganak at mapahusay ang suporta sa pangangalaga ng bata sa Japan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!