MINAMIBOSO CHIBA CITY MAGBIBIGAY NG HANGGANG 1 MILYON YEN PARA SA MGA BIBILI NG BAHAY SA KANILANG LUGAR
Nag-aalok ang Minamiboso City ng isang “Home Acquisition Incentive” system na nagbibigay ng hanggang 1 milyong yen na subsidy sa mga pamilyang may mga anak at kabataan na bibili bahay sa kanilang lugar. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong akitin ang mga kabataang residente at palakasin ang lokal na ekonomiya.
Ayon sa Bonichi shimbun, noong 2023 mayroong 13 mga aplikasyon na natanggap. Kabilang sa mga kondisyon upang makatanggap ng subsidy ay pamilyang may mga anak na wala pang 18 taong gulang, mga batang indibiduwal na wala pang 35 taong gulang, at mga mag-asawang may hindi bababa ang edad ng isa sa 39 taong gulang. Ang mga bagong dating ba residente sa nakalipas na tatlong taon ay maaari ding mag-apply.
Available ang mga subsidy na hanggang 600,000 yen na may karagdagang 400,000 yen para sa mga tahanan na matipid sa enerhiya. Para sa mga bagong bahay, kasama sa mga kundisyon ay dapat ito ay unused 1 taon mula ng ito ay itinayo, idinisenyo ng arkitekto, pagkakaroon ng kinakailangang mga sertipiko, at isang living area na 70 metro kuwadrado o higit pa. Para sa mga used housing, dapat itong naitayo pagkatapos ng Hunyo 1, 1981, nakarehistro at malayo sa mga area ng landslides.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan