今週の動画

TUMAMA ANG PAKPAK NG EROPLANO NG JAL SA ISA PANG EROPLANO SA HANEDA AIRPORT

Nagdikit ang mga pakpak ng dalawang eroplano ng Japan Airlines sa tarmac sa Terminal 1 ng Haneda Airport. Wala naman naiulat na napinsala o nasugatan.

Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga nang ang kaliwang pakpak ng isang eroplanong umaatras para sa pag-alis sa New Chitose Airport ay tumama sa kanang pakpak ng isang katabing eroplano.

Ang paalis na flight ay may humigit-kumulang 300 pasahero, walang nasugatan, habang ang kabilang eroplano ay wala pang pasaherong sakay. Kinansela ang flight sa New Chitose Airport, ngunit hindi gaanong nakaapekto ang aksidente sa iba pang operasyon ng flight.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!