WORLD BEST AIRPORT HOTELS 2024
Kamakailan lang inihayag ng Forbes ang Best Airport Hotels para sa 2024. Nanguna sa listahan ang Crowne Plaza Changi Airport ng Singapore dahil sa magandang view nito at outdoor pool.
Listahan ng top 10 World Best Airport:
1. Crowne Plaza Changi Airport (Singapore): Nag-aalok ng mga kuwartong may view ng runway at nakamamanghang outdoor pool.
2. Hyatt Regency Shenzhen Airport (China): Nagtatampok ng spa na bukas hanggang 11pm, kasama ang mga sauna.
3. TWA Hotel (New York JFK Airport, USA): Ipinagmamalaki ang rooftop pool sa buong taon, perfect para sa mga mahilig sa plane-spotting.
4. Hilton Munich Airport (Germany): Nago-offer ng Nightflight bar sa gitna ng mga palm tree hanggang 1:30am.
5. Fairmont Vancouver Airport (Canada): Dahil sa mga tanawin ng bundok habang pinapanood ang paglipad ng mga eroplano.
6. Grand Hyatt SFO (San Francisco International Airport, USA): Isang marangyang hotel na may madaling airport access sa pamamagitan ng sarili nitong AirTrain terminal.
7. Mövenpick Hotel Bahrain (Bahrain): Kasama sa mga highlight ang pang-araw-araw na “Chocolate Hour” at isang maliwanag na atrium space para sa French cuisine.
8. Hilton Amsterdam Schiphol Airport (Netherlands): Naka-link sa airport sa pamamagitan ng walkway, na may mabilis na access sa tren papunta sa downtown Amsterdam.
9. Pullman Guangzhou Airport (China): Nag-aalok ng 500 kuwarto, Chinese restaurant, buffet, pool table, courtyard pool, at spa.
10. Sofitel London Heathrow (UK): Nagtatampok ng tea room na may mga global tea at isang high-class na French restaurant.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan