KANSAI AIRPORT NANATILING “NO LOST LUGGAGE” SA LOOB NG 30 TAON
Mula ng magbukas ang Kansai International Airport noong Setyembre 1994, wala pa itong naitalang “lost luggage” dahilan ito upang umani ng papuri at international recognition para sa knilang reliable na serbisyo.
Ayon sa Nikkei Asia, ang efficient service na naranasan ng mga pasahero ay nagpataas ng expektasyon sa paliparan bilang isang pangunahing gateway para sa mga bisita sa Expo 2025 sa Osaka.
Bagama’t karaniwan ang mga insidente ng nawawalang bagahe sa industriya ng aviation, napanatili ng Kansai International Airport ang isang magandang rekord, na may average na 7.6 na mishandled bags sa bawat 1,000 pasahero sa buong mundo noong 2022, ayon sa SITA, isang Swiss-based aviation technology firm.
Sa Kansai Airport, wala pang naitalang nawala na bagahe dahil sa kapabayaan ng operator ng paliparan sa 30 taong kasaysayan nito sa kabila ng paghawak ng humigit-kumulang 10 milyong bagahe sa piskal na 2023.
Ang tagumpay na ito ay iniuugnay sa mahigpit na pagsusuri na isinagawa ng dalawa o tatlong miyembro ng kawani, na masusing nagbe-verify ng mga uri at dami ng mga bag para sa bawat paglipad, kasama ang mga detalye ng pagbibiyahe ng pasahero.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”