今週の動画

IPINASA NA SA SENADO SA AMERIKA ANG BILL PARA I-BAN ANG TIKTOK APP

Ang panukalang batas na nagbabawal sa paggamit ng video-sharing app na TikTok, na pinamamahalaan ng isang Chinese company sa Amerika ay inaprubahan ng Senado ng U.S. noong ika-23.

Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, dahil nakapasa na sa senado ang bill, hinihintay na nito ang lagda ni Pangulong Biden upang maging batas.

Dahil sa malawakang popularidad nito sa tinatayang 170 milyong user sa United States, ang batas ay magiging sanhi ng malaking debate at posibleng humantong sa mga legal na hamon mula sa oposisyon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!