SUSHIRO ISASARADO ANG KANILANG DOMESTIC BRANCHES SA MAY 14 AT 15
Inihayag ng Akindo Sushiro na ang lahat ng lokasyon ng Sushiro sa Japan ay isasara sa loob ng dalawang araw mula ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo. Ito ay bilang bahagi ng pagsisikap nitong “lumikha ng mas komportableng kapaligiran sa trabaho”, ang kumpanya ay nagpapatupad ng malawakang pagsasara mula noong 2019 at ito ang ikaanim na pagkakataon.
Ayon sa ulat ng Yahoo News, nasa 639 na stores ang isasara ng dalawang araw na pinamamahalaan ng Akindo Sushiro.
Bilang karagdagan, mananatiling bukas ang 32 tindahang pinamamahalaan ng Kyotaru, kabilang ang “Sushiro To Go” at “Kyotaru Sushiro”. Ang pangunahing kumpanya ng Akindo Sushiro, ang FOOD & LIFE COMPANIES, ay patuloy gumagawa ng hakbang upang lumikha ng isang komportableng kapaligiran sa pagtatrabaho, tulad ng paghikayat sa mga empleyado na kumuha ng limang araw na bakasyon dalawang beses sa isang taon, pagbibigay ng isang bayad na sistema ng reserba sa bakasyon, at pagsuporta sa mga lalaki sa pagkuha ng leave sa pangangalaga sa bata.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”