ADACHI-KU MAGBIBIGAY NG KARAGDAGANG 100,000 YEN PARA SA MATERNITY SUPPORT
Mula sa buwang ito, sinimulan ng Adachi Ward ang na magbigay ng karagdagang subsidy na hanggang 100,000 yen sa mga residenteng lalagpas ang gastos sa normal na birth allowance lumpsum na 500,000 yen.
Mula sa ulat ng Yahoo Japan, ayon sa isang survey na isinagawa ng Ministry of Health, Labor, and Welfare noong nakaraang taon, ang average na gastos sa panganganak sa Tokyo ay humigit-kumulang 600,000 yen at anumang halaga na lumampas sa national lump-sum birth allowance na 500,000 yen ay responsibilidad na ng pasyente.
Sa layuning maibsan ang pasanin na ito at pasiglahin ang magandang kapaligiran para sa panganganak at pagpapalaki ng bata, ipinakilala ng Adachi Ward ang isang sistemang pag-aalok ng mga subsidy na hanggang 100,000 yen para sa mga residenteng manganganak at lalagpas ang gastos sa lumpsum na nakuha. Ang inisyatiba ay hindi limitado sa mga kapanganakan sa loob ng Tokyo at ang mga aplikasyon ay tatanggapin sa loob ng isang taon mula sa petsa ng kapanganakan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”