今週の動画

JAPANESE VERSION NG RIDE SHARING INILUNSAD SA TOKYO AT YOKOHAMA UPANG MATUGUNAN ANG KAKULANGAN SA TAXI

Isang bagong ride-sharing service na nagbibigay-daan sa mga ordinaryong indibidwal na maghatid ng mga pasahero gamit ang kanilang sariling mga sasakyan ay sinimulan sa Tokyo.

Ayon sa Asahi Shimbun, ang sistemang ito ay para din sa mga kumpanya ng taxi na kumukuha ng mga drayber na kanilang sinasanay sa  pamamahala sa trabaho ayon sa outline ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport at Turismo.

Ang operasyong ito ay limitado sa Tokyo (23 ward, Musashino, at Mitaka na lungsod), Keihin (4 na lungsod sa Kanagawa Prefecture, kabilang ang Yokohama at Kawasaki lungsod), Nagoya (12 lungsod at 3 county sa Aichi Prefecture, kabilang ang Nagoya City), at Kyoto City Area (8 lungsod at 4 na county sa Kyoto Prefecture, kabilang ang Kyoto City).

Ang mga operasyon sa labas ng Tokyo ay inaasahang lalawak nang unti-unti sa loob ng buwang ito.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!