今週の動画

JAPAN, MAG-SISIMULA NG SISTEMA KUNG SAAN PWEDE NA I-CHECK ANG MGA FOREIGN VISITORS BAGO PUMASOK NG JAPAN

Ang imigrasyon ng Japan ay magpapakilala ng isang bagong sistema upang palakasin ang seguridad at i-streamline ang mga proseso ng imigrasyon na naglalayong pigilan ang mga potensyal na terorista na makapasok sa bansa.

Ayon sa NHK news, simula sa Abril, sisimulan ng Immigration Services Agency ang preclearance system. Makikipagtulungan ang mga airline sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga opisyal ng imigrasyon ng data ng manlalakbay, kabilang ang mga detalye ng pasaporte at sa pag-check-in sa paliparan. Ire-cross-reference ang impormasyong ito sa isang database.

Ang mga dayuhang bisita na na-flag bilang mga potensyal na panganib sa seguridad, ang mga indibidwal na may criminal hostory o ang mga inakusahan ng mga ilegal stay ay maaaring maharap sa pagtangging makapasok sa bansa. Makakatanggap ang mga airline ng agarang abiso, na magbibigay-daan sa kanila na magpasya kung papayagan ang mga pasaherong ito na sumakay.

Humigit-kumulang 10,000 dayuhang bisita ang tinanggihan na makapasok sa bansa na kung saan ang gastos pabalik ay sinagot ng gobyerno ng Japan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!