今週の動画

HIV INFECTIONS SA JAPAN TUMAAS SA UNANG PAGKAKATAON

Ang bilang ng mga taong nagpa-test para sa HIV ay umabot ng mahigit sa 100,000. Kasabay nito ang pagtaas din ng mga taong infected ng HIV.

Ayon sa Yahoo Japan, ang bilang ng mga bagong pasyente ng AIDS ay tumaas ng 39 kumpara sa nakaraang taon. Sa kabuuan, 960 katao ang nahawahan ng HIV at AIDS at higit sa 90% sa kanila ay mga lalaki. Ayon sa rekord, 633 kaso ay dahil sa parehong kasarian na pakikipagtalik, at 133 na mga kaso ay dahil sa opposite-sex na pakikipagtalik.

Hinimok ng Committee Chairman Takuma Shirasaka ang mga tao na aktibong kumuha ng libre at anonymous hiv test sa mga pampublikong health centers.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!