OKINAWA BUS MAGBIBIGAY NG LIBRENG SAKAY SIMULA HUNYO
Ang Okinawa Prefectural Assembly ay nagsagawa committee meeting noong ika-11 upang pag-usapan ang general account budget bill para sa piskal na taon 2024. Sa General Affairs and Planning Committee, ay iminungkahi isang programang “Watta Bus Riding Experience Project” kung saan ang mga pamasahe ay magiging libre sa apat na karaniwang araw at apat na holiday sa isang buwan.
Ayon sa Okinawa times, tina-target ng proyektong ito ang mga road bus at mga bus ng komunidad hindi kasama ang mga express at limousine bus. Kasama ang mga malalayong isla ng Okinawa.
Similar na proyekto ay ipinatupad din sa Saga Prefecture at ang bilang ng mga gumagamit ng bus ay tumaas ng 1.17 beses kumpara sa nakaraang taon pagkatapos makumpleto ang proyekto. Batay sa kasalukuyang bilang ng mga sumasakay ng bus sa prefecture, inaasahan na ang bilang ng mga gumagamit ay tataas ng humigit-kumulang 10,000 bawat araw.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan