MEDICAL CONSULTATION FEE ITATAAS
Noong Pebrero, nakumpirma ang mga detalye ng revision ng medical fees para sa mga institusyong medikal. Ang rebisyon ay magsisimula sa Hunyo 2024, ayon sa Ministry of Health, Labor, and Welfare.
Ayon sa Yahoo Japan, ang inisyal na konsulatasyon ay ay magtataas ng 90 yen at karagdagang 40 yen para sa susunod na konsultasyon. Ito ay naglalayong itaas ang sahod ng mga manggagawang medikal na edad 40 pababa. Ito ay ang unang rebisyon ng bayad sa inisyal na konsultasyon sa loob ng 20 taon.
Iminumungkahi ng mga eksperto na ang mga naturang pagtaas ay maaaring magpatuloy sa hinaharap upang mapanatili ang pagiging patas at protektahan ang pamantayan ng pangangalagang medikal. Ipinaliwanag ni Hidenobu Hatsuishi, Pinuno ng Department of Health and Welfare Management sa Kawasaki University of Health and Welfare ang kahalagahan ng pagpigil sa pagbaba ng sahod sa industriya ng medikal, dahil maaari itong humantong sa pagkabangkarote ng mga institusyong medikal.
Ang patuloy na pagtaas ng mga presyo na ito ay nakikita bilang isang panukala upang mapangalagaan ang mga pamantayan sa pangangalagang medikal na kasalukuyan nating natatanggap.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/22Ang “Apple disease” ay umabot sa antas ng babala sa Tokyo, na may mga sintomas na parang sipon at pantal sa pisngi
- News(Tagalog)2024/11/18Apat na sunod-sunod na nakawan sa mga lansangan ng Yokohama at Machida, Tokyo, na ikinasugat ng dalawa. Isang grupo ng apat na tao sa dalawang motorsiklo, sa loob ng 7km radius sa loob lamang ng dalawang oras.
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod