KAGOSHIMA PREFECTURE MAGBIBIGAY NG ACCOMMODATION SUPPORT
Bilang bahagi ng isang inisyatiba sa suporta sa turismo, sinimulan ng Kagoshima City ang pagbebenta ng mga kupon para sa mga pasilidad ng panuluyan sa loob ng lungsod, na pinamagatang “Magma no Kou: Enjoy Kagoshima City Accommodation Coupons.”
Ayon sa Yahoo Japan, ang mga kupon na ito, na nagkakahalaga ng 2,000 yen bawat isa na may equivalent na 5,000 yen na maaring gamitin sa pagbook ng mga kalahok na hotel.
Maaaring bilhin ang mga kupon na ito sa pamamagitan ng isang nakalaang website sa. Ang bawat tao ay pinapayagang bumili ng maximum na 5 tiket bawat pasilidad, na may limitasyong 2 tiket bawat tao bawat gabi.
Ang kabuuang bilang ng mga available na tiket ay 42,000 na ipapamahagi sa mga partikular na panahon at available sa first-come, first-served basis. Ang unang batch na 7,000 tiket ay available mula Pebrero 7 hanggang Marso 7 na susundan ng pangalawang 7,000 na tiket mula Marso 14 hanggang Abril 30 at ang huling yugto mula Disyembre 1 hanggang Pebrero 28, 2025, na may hanggang 14,000 tiket na available.
Hinihikayat ng Kagoshima City Tourism Promotion Division ang lahat na “gamitin ang mga kupon at tuklasin ang magkakaibang kagandahan ng Kagoshima City.”
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/22Ang “Apple disease” ay umabot sa antas ng babala sa Tokyo, na may mga sintomas na parang sipon at pantal sa pisngi
- News(Tagalog)2024/11/18Apat na sunod-sunod na nakawan sa mga lansangan ng Yokohama at Machida, Tokyo, na ikinasugat ng dalawa. Isang grupo ng apat na tao sa dalawang motorsiklo, sa loob ng 7km radius sa loob lamang ng dalawang oras.
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod