YOKOSUKA CITY AY MAGBIBIGAY NG 600,000 YEN PARA SA MGA BAGONG KASAL
Mula ngayong piskal ng 2024, plano ng Yokosuka City sa Prefecture ng Kanagawa na mag-alok ng mga subsidy na hanggang 600,000 yen para sa upa at mga gastos sa paglipat bilang suporta sa mga bagong kasal.
Ang paunang badyet para sa parehong taon ng pananalapi ay naglalaan ng 234.24 milyong yen sa adhikaing ito na naglalayong tumulong sa humigit-kumulang 600 na kabahayan.
Ang programang ito ay para rin sa mga couple under ng “Partnership Oath Certification System” ng lungsod, na kinikilala ang mga mag-asawa mula sa mga LGBT, atbp.. Ang City Planning and Coordination Division ay nagsasaad na ang proyekto ay makikinabang sa “subsidy ng pambansang pamahalaan para sa nakatutok na pagsulong ng mga hakbang upang kontrahin ang pagbaba ng birthrate sa mga lokal na komunidad.”
Dati nang ipinatupad sa kanlurang bahagi ng prefecture kabilang ang Hadano City, Yugawara, at Yamakita Town, ang inisyatibong ito upang matugunan ang pagbaba ng populasyon at ang pagbaba ng birthrate at umaasang makaakit ang mga residente.
Para maging qualified sa subsidy, dapat ang pagpaparehistro ng kasal ay sa pagitan ng Abril 1, 2024, at Marso 31, 2025 at ang mag-asawa ay parehong wala pang 39 taong gulang, ang isa sa mag-asawa ay nakarehistro bilang residente ng lungsod at ang kabuuang kita ay mas mababa sa 5 milyong yen.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/22Ang “Apple disease” ay umabot sa antas ng babala sa Tokyo, na may mga sintomas na parang sipon at pantal sa pisngi
- News(Tagalog)2024/11/18Apat na sunod-sunod na nakawan sa mga lansangan ng Yokohama at Machida, Tokyo, na ikinasugat ng dalawa. Isang grupo ng apat na tao sa dalawang motorsiklo, sa loob ng 7km radius sa loob lamang ng dalawang oras.
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod