STARBUCKS RESERVE ROASTERY TOKYO TATANGGAP NG SEATING RESERVATION PARA SA CHERRY BLOSSOM SEASON
Tatanggap ang Starbucks Coffee Japan ng mga paunang reserbasyon para sa kanilang terrace seats na nakaharap sa Meguro River sa ika-3 palapag ng Starbucks Reserve Roastery Tokyo mula 6:00 a.m. sa ika-1 ng Marso.
Ang Starbucks Roastery ay ginugunita ang ika-5 anibersaryo nito mula nang itayo ito sa Nakameguro, Tokyo. Popular na lugar ang kanilang terrace kung saan makikita ang kahabaan ng Meguro River na kilala sa cherry blossom viewing.
Ang reserbasyon ay mula Marso 11 hanggang Abril 7. Ang reservation fee ay 2,200 yen bawat tao (para sa mga upuan lamang). Ang link para sa reservation ay gagawing available sa “Entry Guide Page” sa ika-1 ng Marso.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”