AMAZON JAPAN ITATAAS ANG STANDARD RATE PARA SA FREE SHIPPING
Simula ika-29 ng Marso, tataasan ng Amazon ang karaniwang standard shipping fee para sa free shipping mula 2,000 yen hanggang 3,500 yen.
Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, kung ang halaga ng item na bibilhin ay mas mababa sa 3,500 yen, magkakaroon ng shipping fee na 400 yen para sa Honshu at Shikoku (hindi kasama ang mga malalayong isla), at 450 yen para sa Hokkaido, Kyushu, Okinawa, at mga malalayong isla.
Kung ang order ay ipapadala sa iba’t-ibang lokasyon, magkakaron ito ng separate charge sa bawat lokasyon na pagpapadalhan.
Ang additional fee na ito ay para lamang sa mga hindi member ng Amazon Prime at mga miyembro ng Prime Student. Kung ikaw ay isang amazon prime member, libre ang shipping anuman ang opsyon sa pagpapadala.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”