CHERRY BLOSSOM VIEWING CAMPAIGN GAGANAPIN SA TOKYO YUMENOSHIMA MARINA MULA MARSO 23 – ABRIL 7
Ang TakeFour ay maglulunsad ng iba’t ibang offering sa panahon ng “Ohanami Campaign 2024” na idaraos sa Tokyo Yumenoshima Marina (Koto Ward, Tokyo) mula Marso 23 hanggang Abril 7.
Mula sa ulat ng Yahoo Japan, ang “Cherry Blossom Viewing Campaign 2024” ay operated ng Outdoor Square na isang tegaru barbeque place sa Tokyo Yumenoshima Marina ay mag-ooffer ng tegaru barbeque sa mga lugar kung saan maraming cherry blossoms. Ito ay limited time lamang.
Ang Eno no Mori Dog Garden ay bukas mula ika-28 ng Marso at ika-14 ng Abril, at magsasagawa rin ng mga workshop.
Ang “Marina & Grill” ay magbebenta ng Sakura soda at Sakura sweets set (1000 yen) , cherry blossom viewing bento (2000 yen), authentic Indian curry na gawa ng Indian chef (1360 yen), atbp.
Higit pa rito, sa panahon ng “Ohanami Campaign 2024”, isang malaking lottery ang gaganapin para manalo ng magagandang premyo sa “Outdoor Square,” “Eno Forest Dog Garden,” at “Marina & Grill.” Sa bawat resibo na nagkakahalaga ng 2,000 yen o higit pa ay equivalent ng isang draw at ang mga resibo na mas mababa sa 2,000 yen ay maaaring pagsamahin.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan