BIGLAANG PAGBABAGO NG TEMPERATURA MAAARING MAG-SANHI NG MGA ALALAHANIN SA KALUSUGAN
Ang Japan ay nakakaranas ng kakaibang pag-taas ng temperatura ngayong Pebrero. Mula sa Meteorological Agency, ang mainit na hangin sa katimugang bahagi ng isang high pressure ay nagdudulot ng pag-taas ng temperatura sa Kanto region.
Ayon sa Japan Times, noong Lunes, umakyat ang temperatura sa Tokyo ng 16 degrees, 19 degrees naman sa Fukuoka at Niigata at 21 degrees sa Kanazawa. Ito ay halos kapareho ng temperatura tuwing Abril hanggang Mayo.
Subalit ang mainit na temperatura ay biglang bababa ngayong Miyerkules sa halos 10 degrees. Dahil dito, pinapaalalahanan ang lahat na ang biglang pagbaba ay magdudulot ng problema sa kalusugan sa ilang tao.
Tuluyan pang bababa ang temperatura na may kasamang pag-ulan ngayong linggo at ito ay maaring magdulot sakit ng ulo at joint pains lalo na sa mga nakatira sa Kanto region.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”