Ang Somin-sai festival na may isang libong taon na kasaysayan kung saan ang mga lalaking nakasuot ng fundoshi ay magpapaligsahan sa pagkuha ng abaka na bag na tinatawag na “somin bukuro” na may laman na amulet.
Mula sa ulat ng Asahi News, ang huling somin-sai ay ginanap noong nakaraang ika-17 ng Pebrero. Ang mga magigiting na kalalakihan ay nilalabanan ang lamig na tanging fundoshi lamang ang suot.
Kahit na kilala ang tradisyong ito na isa sa mga “eccentric” tradisyon ng Japan, dahil sa kakulangan ng mga participants kasabay ng pag-tanda ng mga miyembro, pinagdesisyunan na tapusin na ang festival na may kasaysayan na umabot ng isang libong taon.
Ayon sa paniniwala, ang sino man na makakuha ng amulet mula sa somin bukuro ay magiging protektado sa sakuna.