FUKIAKE GARDEN SA IMPERIAL PALACE, MAGBUBUKAS NA SA PUBLIKO
Ang Fukiake Garden sa west part ng Imperial Palace ay magbubukas sa ika-14 ng Abril para sa mga edad 70 pataas at sa ika-4 naman ng Mayo para sa mga junior high school at pataas.
Ayon sa Asahi Shimbun, magkakaroon ng tatlong tour sa bawat araw na may hindi lalagpas sa 30 katao. Ito ay magbibigay ng chance sa publiko para makita ang mga endangered na halaman tulad ng Ranunculus ternatus, at ang rare Cephalanthera erecta orchid pati na rin ang vivid Meehania urticifolia perilla.
Ngayong taon ang mga online na aplikasyon ay maaari ding isumite sa pamamagitan ng website ng ahensya.
Ang mga ordinaryong postkard na ipapadala sa Imperial Household Agency ay maari din gamitin para mag-apply.
Ang mga aplikasyon ay dapat magsama ng mga pangalan, address at gustong petsa para sa tour na sasalihan. Ang deadline para sa mga aplikasyon ay ika-26 ng Pebrero. Ang mga bisita ay pipiliin sa pamamagitan ng lottery kung mas maraming tao kaysa sa quota ang mag-aplay.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”