SAKE THEMED TRAIN SINIMULAN SA SHIGA PREFECTURE
Ang Omi Railway Corp., na nakabase sa Shiga ay nagsimulang magpatakbo ng excursion train na may theme na “sake” noong Enero 27 para simulan ang pag-aalok ng mga lokal na paborito sa mga turista.
Ayon sa Asahi Shimbun, ang serbisyong “Omi no Jizake Densha” (train of sake brewed in Omi) ay taunang alok ng kumpanya para aliwin ang mga sumasakay gamit ang lokal na brewed sake at regional specialty habang umaandar ang tren at nakikita ang tanawin sa paligid.
Ang serbisyong ito ay hanggang hanggang Marso 3 lamang. Mag-aalok ito ng sake mula sa 11 lokal na alak sa buong prefecture, kabilang ang Tomita Shuzo Inc. sa Nagahama. Ang tren ay kayang magsakay ng 72 pasahero sa halagang 7,500 yen ($51) bawat isa.
Ang tren ay gagawa ng round trip sa pagitan ng Hikone at Yokaichi stations, aalis sa Hikone Station sa 3:49 p.m.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”