HYOGO PREFECTURE MAGBIBIGAY NG 500,000 YEN PARA SA 10 ESTUDYANTE NA MAG-AARAL ABROAD NGAYONG SUMMER
Upang suportahan ang mga mag-aaral sa high school na napipilitang ipagpaliban ang pag-aaral sa ibang bansa dahil sa tumataas na presyo, ang Hyogo Prefecture ay nag-anunsyo na susuportahan nito ang mga gastos sa pag-aaral sa ibang bansa ng hanggang 500,000 yen.
Mula sa Yahoo News, anim na kinatawan mula sa mga lokal na paaralan at mga negosyante ang dumalo sa “HYOGO Global Human Resource Development Review Committee” sa Hyogo Prefectural Office. Tinalakay nila ang suportang pang-edukasyon para sa mga mag-aaral sa high school na naglalayong palawigin ang kanilang expertise sa international relations sa hinaharap.
Nag-anunsyo si Gobernador Saito ng inisyatibo na nag-aalok ng hanggang 500,000 yen para sa mga mag-aaral mula sa mga lokal na high school na planong mag-aral ng isang buwan sa ibang bansa ngayong darating na summer vacation.
Ang programa ay planong tumanggap ng 10 mga mag-aaral. Ang pagpili ay magsisimula ngayong taon. Ang prefecture, sa pakikipagtulungan sa mga pribadong kumpanya, ay nagtatag ng isang pondo upang mapanatili ang patuloy na suporta para sa mga naturang hakbangin.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”