TOTTORI PREFECTURE NAGHAHANAP NG MGA CONTENT CREATOR
Inilunsad ng Tottori Prefecture ang Tottori Creator’s Village, na inspirasyon ng makasaysayang Tokiwa-so sa Tokyo, na kilala sa pagho-host ng mga manga artist tulad ni Osamu Tezuka. Sa pakikipagtulungan sa Kodansha Ltd., bukas ang programa sa mga creator sa buong bansa, walang age limit at bukas sa iba’t ibang larangan tulad ng mga video game at manga.
Ayon sa report ng Asahi Shimbun, hanggang limang miyembro ang pipiliin na magtrabaho sa Sign In Co-Working Office sa Sakaiminato mula Marso 2022 hanggang Pebrero 2026 ito ay may kasamang pabahay at buwanang stipend.
Ang inisyatiba ay umaayon sa pangako ng lokal na gobyerno na i-promote ang mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng “Manga Kingdom Tottori” na inisyatiba, na nagbibigay ng space para sa mga creator na mag-collaborate at bumuo ng kanilang mga proyekto.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan