AIRJAPAN MAGBUBUKAS NG NARITA-SINGAPORE NA RUTA
Ang bagong brand ng ANA Group na “AirJapan” ay magsisimulang lumipad sa pagitan ng Narita at Singapore mula Abril 26, 2024. Ito ang ikatlong destinasyon ng airline.
Mula sa ulat ng Travel Voice, sa pamamagitan ng pagtanggap ng pangalawang sasakyang panghimpapawid noong Abril, palalawakin ng AirJapan ang bilang ng mga lungsod na pinaglilingkuran, at ang rutang Narita-Seoul (Incheon) ay magkakaron ng daily flights mula Abril 29 habang ang ruta ng Narita-Bangkok na sisimulan sa Pebrero ay magkakaroon din ng daily schedule.
Ang AirJapan isang hybrid na airline na pinagsasama ang advantage ng isang FSC (full service carrier) at LCC (low cost carrier). Ang Boeing 787-8 na sasakyang panghimpapawid ay gagamitin para sa economy seats (324 seats). Ang presyo ng airline ticket para sa 7-anyos pataas under ng “Simple Plan” ay magsisimula sa ¥17.000.
Iskedyul ng AirJapan Narita/Singapore
Departure mula Narita 17:35 / Darating sa Singapore 23:55 (Mga araw ng flight: Lunes, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo)
Departure mula sa Singapore 00:55 / Darating sa Narita 09:10 (Mga araw ng flight: Lunes, Martes, Biyernes, Sabado, Linggo)
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”