PLANO NG JAPAN NA IDAGDAG ANG DRIVER AT RAIL STAFF SA TREN SA ILALIM NG SKILLED WORKER VISA
Nakatakdang palawakin ng Japan ang kanilang “specified skilled worker” na visa upang labanan ang mga kakulangan sa manggagawa sa mga kritikal na industriya ayon sa Gobyerno ng Japan.
Ayon sa Asahi Shimun, sa kasalukuyan mayroong 12 na uri ng trabaho na sakop ng Type 1 na tinukoy na skilled worker visa, tulad ng construction at accommodation. Ang mga iminungkahing karagdagan, kabilang ang transportasyon sa kalsada at kawani ng tren ay naglalayong tugunan ang mga kakulangan sa mga tsuper ng bus, taxi, at trak gayundin ang mga tungkulin tulad ng mga tsuper ng tren, konduktor, mga attendant sa istasyon, at mga gumagawa ng riles.
Ang mga pagpapalawak na ito ay kauna-unahang pagdagdag sa kategorya ng skilled visa simula ng ito ay ipakilala noong 2019 at maaaring ipatupad sa pamamagitan ng mga pagbabago sa mga ordinansa at panuntunan ng ministeryo ngunit hindi nanganaghulugan ng pagbabago sa mga batas.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”