今週の動画

DALAWANG BIG COMPANIES SA JAPAN BANNED SA PAGKUHA NG TECHNICAL TRAINEES DAHIL SA VIOLATION

Ang kumpanyang Panasonic Corp. at Mitsubishi Motors Corp. ay nahaharap sa mga paglabag sa sa technical intern training programs.

Ayon sa Asahi News, ito ay inanunsyo kahapon ng Justice Ministry and Labor Ministry na hindi makakakuha ng visa para sa foreign technical trainees ang dalawang kumpanya sa loob ng 5 taon simula ngayong Abril.

Habang ang Mitsubishi Motors ay napatunayang direktang lumabag sa Technical Intern Training Law sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga dayuhang technical trainees na humawak sa mga gawaing hindi kasama sa plano ng programa ng pagsasanay, ang Panasonic ay pinarusahan dahil napag-alamang lumabag ito sa Labor Standards Law na kinasasangkutan ng isang Japanese na empleyado.

Ang Technical Intern Training Law ay pinagtibay noong 2017 upang protektahan ang kapaligiran sa pagtatrabaho para sa mga foreign technical trainees.

Sa ilalim nito, napatunayang sinamantala ng Mitsubishi Motors ang mga dayuhang technical trainees sa pamamagitan ng paggawa sa kanila ng mga gawaing hindi kasama sa intern training program plan na isinumite sa gobyerno.

Ayon sa mga opisyal ng Justice Ministry, 28 technical trainees mula sa Pilipinas ang kinuha sa planta ng Okazaki ng Mitsubishi Motors sa Aichi Prefecture upang matuto ng mga kasanayan sa welding. Gayunpaman, ang mga trainees na iyon ay kinuha upang mag-assemble ng mga piyesa ng kotse, isang gawain na hindi kasama sa plano ng trainee program.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!