今週の動画

MCDONALD’S MAGTATAAS ULIT NG PRESYO

Noong Biyernes, inihayag ng McDonald’s Holdings Co. Japan ang mga planong taasan ang retail na presyo ng humigit-kumulang 30% ng mga produkto nito gaya ng Big Mac at Double Cheeseburger, ng ¥10 hanggang ¥30 simula sa Enero 24.

Ayon sa ulat ng Japan News, ang Big Mac ay magiging ¥480 na nagpapakita ng ¥30 na pagtaas, habang ang Double Cheeseburger ay magiging ¥430, at ang Teriyaki MacBurger ay magiging ¥400, na parehong may ¥30 na pagtaas ng presyo.

Ito ay ang unang pag-taas ng presyo simula noong Enero ng nakaraang taon at isang tugon sa tumataas na gastos ng raw materials.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!