30-ANYOS NA PILIPINA ARESTADO SA HINALANG PAG-ABANDONA NG PATAY SA ADACHI KU
Noong ika-19, inaresto ng Tokyo Metropolitan Police Department ang isang 30-taong-gulang na Filipino, sa hinalang pag-abandona ng bangkay kaugnay ng pagkakadiskubre ng dalawang bangkay sa ilalim ng floorboard ng isang pribadong bahay sa Adachi Ward, Tokyo.
Mula sa ulat ng Yomiuri News, nakilala ang kanyang bangkay na si Norihiro Takahashi (55), isang self-employed na manggagawa na nakatira sa bahay sa pinangyarihan, at ang kanyang asawang si Kimie (52).
Ayon sa report, ang suspek ay pinaghihinalaang inabandona ang mga bangkay ng mga residente, sina Mr. at Mrs. Takahashi, sa ilalim ng unang palapag ng isang bahay sa Senju Midoricho, Adachi Ward, bandang ika-16 ng buwang ito. Itinanggi niya ang kanyang mga paratang at sinabing wala siyang alam.
Mukhang ilang taon nang kakilala ng babae sina Mr. at Mrs. Takahashi, at ang kanyang tahanan ay halos 500 metro ang layo mula sa tahanan ni Mr. Takahashi. Ang babae ay nadawit sa insidente matapos pag-aralan ang footage mula sa mga kalapit na security camera. Natagpuan ang mga bangkay na nakabalot at ang kanilang mga katawan ay puno ng saksak. Ang entrance ng bahay ay nakitaaan ng mga patak ng dugo na mukhang tinangkang punasan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan