FUKUOKA CITY NAG-SUPPLY NG TUBIG SA MGA APEKTADONG LUGAR NG LINDOL GAMIT ANG “EMERGENCY DRINKING WATER BAGS”
Ang mga empleyado ng Fukuoka City Waterworks Bureau ay nagpadala ng kanilang mga miyembro sa Noto Peninsula kung saan marami pang lugar ang wala pa ring supply ng tubig sa ngayon.
Mula sa ulat ng Yahoo News, ang walong miyembro ng team ay nagdala ng dalawang water tanker mula Fukuoka City. Ipinakilala din ang paggamit ng “emergency drinking water bags” na kayang magdala ng 6 na litrong tubig bawat bag. Ito ay magalak na tinanggap ng mga residente. Ang paggamit ng backpack ay napaka-convenient at dahil ito ay naka pasan sa likod ng nagdadala, maaari pa niyang gamitin ang kaniyang kamay sa iba pang bagay.
Ang Fukuoka City Waterworks Bureau ay nagpadala ng karagdagang “emergency water supply teams” sa rehiyon, na gumagamit ng kabuuang 1,200 water bags upang mapanatili ang paghahatid ng tubig na kailangan sa mga nangangailan at mga naapektuhan ng kalamidad.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan