今週の動画

4 NA TAO DISQUALIFIED SA UNIVERSITY ENTRANCE TEST SA JAPAN

Noong Enero 14, inilabas ng University Entrance Examination Center ang diskwalipikasyon ng apat na indibidwal mula sa 2024 University Entrance Test dahil sa pagdaraya, kabilang ang paggamit ng mga cheat sheet, na nagresulta sa invalidated score ng kanilang pagsusulit. Ang mga detalye ng mga kaso ng pagdaraya ay ang mga sumusunod:

Mula sa ulat ng Yahoo News, isang examinee mula sa Yamaguchi Prefecture ang nadiskubreng may dalang kodigo  “Geography, History, and Civics” noong Enero 13.

Isang estudyante naman sa Hiroshima Prefecture ang nag-iwan ng clear file na naglalaman ng papel na may mga mathematical formula sa lamesa noong Enero 14.

Isang examinee sa Tokyo ang nagpatuloy sa pagsagot sa mga tanong pagkatapos ng itinalagang oras para sa pagsusulit na “Foreign language” na natapos noong Enero 13.

Gumamit ng ruler ang isang estudyante mula sa Gifu Prefecture upang sukatin ang isang graph sa panahon ng pagsusulit na “Science 2” noong Enero 14.

Alinsunod sa mga regulasyon, ang mga indibidwal na mahuling nandaraya sa panahon ng pagsusulit ay magkakaroon ng invalidated na score. Ang insidenteng ito ay dumagdag sa serye ng mga diskwalipikasyon sa kamakailang pagsusulit, na nagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pandaraya, gaya ng paggamit ng smartphone, paggamit ng ruler, at paggamit ng mga cheat sheet sa mga nakaraang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!