MAG-INGAT SA MGA SCAM AT MALISCIOUS ACTIVITY NA SINASAMANTALA ANG MGA SAKUNA
Matapos ang lindol sa Noto Peninsula, nai-ulat na madaming scam ang naglabasan para samantalahin ang pagkakataon. Dahil dito bumuo nag Consumer Affairs Center ng Japan ng mga hotline para tugunan ang problemang ito.
Ayon sa NHK News, simula noong Enero 12, nakatanggap na ng 42 na report ang agency tungkol sa mga ilegal na aktibidad katulad ng mga hindi kilalang kumpanya na nag-aalok ng pag-aayos ng bubong ng mga bahay.
Ang toll-free hotline ay bubuksan ngayon ika 15 ng Enero simula 10 ng umaga hanggang 54 ng hapon. Bukas din ito tuwing Sabado at Linggo pati holidays. Ito ay para sa mga residenteng apektado ng lindol katulad ng Ishikawa, Niigata, Toyama at Fukui.
Nagbabala din ang Consumer Affairs Agency na kung makakatanggap ng tawag mula sa mga taong nagpapanggap na empleyado ng gobyerno, agad na tawagan ang consumer hotline na 188 para sa assistance.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”