今週の動画

YAMATO TRANSPORT, TATAPUSIN ANG KONTRATA NG HALOS 25,000 KATAO, DELIVERY WORKERS NAGPROTESTA

Yamato transport, isa sa major delivery company sa Japan ay nagpaplanong tapusin ang kontrata ng halos 25,000 katao na halos mga delivery drivers. Umani ito ng protesta at reklamo sa labor union.

Ayon sa ulat ng NHK news, ang mga apektadong manggawa ay nagsagawa ng protesta sa harap ng Yamato TransportHeadquarters sa Tokyo. Hinihiling ng mga manggagawa na itigil ang planong pagtapos ng kontrata.

Ayon sa unyon ng manggagawa, tinatanggihan ng kumpanya ang collective bargaining sa kadahilanang “sole proprietorships ay hindi legal na manggagawa,” at ang mga delivery workers ay nagsampa ng reklamo sa Tokyo Metropolitan Labor Commission upang humingi ng tulong.

 

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!