Bumuo ang Self Defense Forces ng Japan ng mga pansamantalang paliguan gamit ang mga tent para sa mga residente na bikitima ng lindol sa Noto Peninsula.
Ayon sa Japan News, noong Miyerkules, humigit-kumulang 15 na lokasyon sa anim na lungsod at bayan sa buong Ishikawa Prefecture, kabilang ang Wajima at Nanao, ang nagpatupad ng serbisyong ito. Ang mga residente ay nagpahayag ng pasasalamat na sa kabila ng malamig na mga panahon ay nagawa nilang magpainit sa tulong ng mga paliguan.
Mula nang simulan ang paliguan sa paaralan noong Linggo, humigit-kumulang 200 katao ang gumagamit ng mga pasilidad araw-araw. Ang mga gumagamit ay tumatanggap ng mga tiket at ang pagligo ay tumatagal ng humigit-kumulang 20 minuto.