DEMAND NG INFANT MILK FORMULA TUMAAS MATAPOS ANG NOTO PENINSULA EARTHQUAKE
Ayon sa Meiji Co., tumaas ang demand ng liquid infant formula kasunod ng malakas na lindol sa Noto Peninsula. Simula ngayong Enero, nakitaan nila ng kakaibang pagtaas ng demand sa volume ng order na tumaas ng halos dalawang beses sa bilang. Ito ay ayon sa ulat ng Japan News.
Kabaliktaran ng powder na formula, ang liquid formula ay hindi nangangailan ng tubig para ito ay tunawin at mas madaling gamitin sa panahon ng emergency at sakuna.
Ang Meiji Co. ay namigay ng halos 3,700 na can ng liquid formula sa lugar na apektado ng lindol.
Ang liquid formula ay umani ng popularidad noong 2016 kung saan naganap ang Kumamoto Earthquale. Ang bansang Finland ay nagpadala ng liquid formula sa apektadong bahagi ng Japan. Noong 2018, inaprubahan ang production at sales nito sa Japan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”