Naghahanda na ang lokal na gobyerno para sa pagbibigay ng libreng pabahay sa mga nasalanta ng bagyo sa Noto Peninsula. Ang aplikasyon para sa pabahay ay nagsimula na at ito ay may tenancy period na 6 na buwan hanggang 1 taon.
Mula sa ulat ng Yahoo News, ayon sa data ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport, at Turismo noong ika-9, humigit-kumulang 1,600 unit ang kasalukuyang magagamit sa buong bansa at ang bilang na ito ay inaasahang dadami pa sa mga darating na buwan.
Walang babayarang upa sa bahay at security deposit ang mga maninirahan dito subalit hindi kasama ang bayarin sa utilities sa offer ng gobyerno. Ang parking fees at daily necessities katulad ng mga gamit sa bahay ay depende sa municipality na lilipatan.
Ang Tokyo Metropolitan ay handang magbigay ng 100 housing units na pwedeng tirahan mula 6 na buwan hanggang 1 taon. Sa kabilang banda, ang Mie prefecture ay handa naman mag-alok ng 31 units na pwedeng tirahan sa loob ng 3 taon.