ANA AT JAL NANGUNA SA ASYA PARA SA ‘WORLD ON TIME PERFORMANCE RATE’
Ang Cirium, isang kumpanyang dalubhasa sa pagsusuri ng data ng aviation, ay naglabas ng 2023 on-time ranking para sa mga airline. Ang Avianca, isang Colombian airline, ay nanguna sa world’s list na may 85.73% on-time average. Sumunod naman ang Azul Airlines ng Brazil (85.51%), Qatar Airways (85.11%), Delta Air Lines (84.72%), at Iberia Airlines (84.38%).
Mula sa Travel Voice, sa rehiyon ng Asia-Pacific, nakuha ng ANA ang unang spot sa on-time na performance na 82.75%, sinundan naman ng JAL sa 82.58%. Sa kategoryang low-cost carrier, nakuha ng Jetstar Japan ang ika-4 na posisyon na may 84.60% performance rate.
Tinutukoy ng Cirium ang mga “on-time” na flight ang mga arrival at departure sa loob ng 15 minuto mula sa naka-iskedyul na oras. Ang mga pinagmumulan ng data ay sumasaklaw sa mga airline, paliparan, GDS (Global Distribution System), data ng lokasyon ng ADS-B, aviation authority, air traffic control service provider, proprietary data partnerships, at online source.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan