今週の動画

LIMITED EXPRESS TRAINS NA KUMUKONEKTA SA TOKYO AT CHIBA, MAGKAKAROON NA NG RESERVED SEATS

Marso ng ngayong taon, Ang JR East ay magkakaron ng malaking pagbabago sa kanilang limited express trains na kumokonekta sa Tokyo at Chiba. Dahil sa pagbabagong ito, magiging reserved seating only ang limited express trains departing at arriving mula sa Tokyo.

Ayon sa ulat ng NHK news, ang rebisyon na ito ay magsisimula sa ika-16 ng Marso. Ang “Shiosai,” “Wakashio,” at “Sazanami” na limitadong express train, na nag-uugnay sa Tokyo sa Choshi, Awa-Kamogawa, at Kimitsu ng Chiba, ay eksklusibong mag-aalok ng reserved seat only.

Ang Keiyo Line na rapid at commuter rapid services mula Tokyo and Chiba Prefecture sususpindihin sa mga partikular na oras sa umaga at gabi.

Dahil sa pagtaas naman ng dayuhang turista, ang limitadong express na Fuji Kaiyu, na nag-uugnay sa Shinjuku at Fujikyuko’s Kawaguchiko Station, ay magdadagdag ng isa pang round trip na byahe. Aabot na sa apat na round trip na byahe ang Shinjuku to Fujikyuko trip sa isang araw.

Plano ng JR East na ilabas ang binagong timetable sa huling bahagi ng susunod na buwan para masuri ng mga pasahero ang na-update na mga iskedyul.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!