AYON SA FOREIGN MEDIA, ITINUTURING NA HIMALA ANG MAAYOS NA PAG-LIKAS NG MGA PASAHERO MATAPOS ANG JAL PLANE ACCIDENT
Noong Enero 2, 2024, isang banggaan sa pagitan ng JAL flight 516 at Japan Coast Guard aircraft MA722 ang naganap sa Haneda Airport. Kinumpirma ng JAL na lahat ng 379 na tao na nakasakay, kabilang ang 367 na pasahero kung saan 8 ay mga sanggol, 3 flight crew member, at 9 na flight attendant ay ligtas na nailikas.
Pinuri ng mga dayuhang media outlet, tulad ng Reuters, ang maayos na paglikas sa mga pasahero bilang isang “himala.”
Ayon sa Travel Voice, sinabi ng JAL na ang paglikas ay nagsimula kaagad pagkatapos huminto ang eroplano, na tumagal lamang ng 20 minuto at maayos na nailikas ang lahat. Ang in-flight announcement system ay hindi gumagana, kaya ang mga attendant ay gumamit ng mga megaphone at kanilang mga boses lamang. Ginabayan nila ang mga pasahero hanggang makalabas sa tatlong emergency exit. Isang tao ang nagtamo ng mga pasa, habang ang 13 iba pa ay masama ang pakiramdam at humingi ng medikal na atensyon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”