今週の動画

200 KATAO NAGTIPON PARA LINISIN ANG RECLINING BUDDHA SA FUKUOKA

Noong Martes, sa Nanzoin temple sa Sasaguri, Fukuoka Prefecture, isang 41-meter-long reclining Buddha ang sumailalim sa paglilinis bago ang Bagong Taon gamit ang mahabang bamboo brush.

Ayon sa Japan News, humigit-kumulang 200 pari at mga deboto ang gumamit ng 8-meter-long brushes para masusing alisin ang alikabok mula sa 11-meter-tall na Buddha, na nakatayo bilang isa sa pinakamalaking bronze statues sa mundo.

Kasunod niyon ay masuyong pinunasan nila ng mga washcloth ang katawan nito.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!