MALDIVES, PINANGALANANG “WORLD’S BEST DESTINATION” SA IKA-APAT NA TAON
Sa World Travel Awards sa Dubai noong Disyembre 1, na kilala bilang Oscars sa travel industry, inihayag ang mga nanalo sa taong 2023.
Ayon sa report ng Yamatogokoro, nasungkit ng All Nippon Airways (ANA) ang parangal na “Airline Premium Economy Class” para sa Japan. Nakuha ng Maldives ang prestihiyosong “World Leading Destination” na parangal para sa ikaapat na magkakasunod na taon habang ang Maldives Tourism Board ay nakakuha ng pagkilala bilang “World Leading Tourist Board” sa loob ng dalawang magkakasunod na taon.
Pinuri naman ang Pilipinas sa kategoryang “Diving Destination” at “Beach Destination” dahil sa mga nakamamanghang beach at coral reef nito. Ang Madeira sa Atlantic ay pinarangalan bilang “Island Destination,” at ang Cannes ay pinuri bilang isang premier na “Festival and Events Destination.”
Ang mga bansa sa Caribbean na nakasungkit ng award ay ang St. Lucia, pinangalanang “Honeymoon Destination,” inangkin ng Jamaica naman para sa “Family Destination” at “Cruise Destination”.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”