71 OUT OF 232 PRIVATE HIGH SCHOOL SA TOKYO, NAG-TAAS NG PRESYO
Noong Disyembre 2023, naglabas ang Tokyo Metropolitan Government Bureau ng datos para sa 2024 sa mga pribadong high school sa Tokyo na pinamagatang “Status of Tuition Fees for Private High Schools in Tokyo”. Sa 232 private high schools, 71 ang nagtaas ng mga bayarin, ang pinakamataas na pagtaas ay umabot ng 18.9%.
Mula sa ulat ng Yahoo Japan, ang nangunguna sa pagtaas ay ang Keimei Gakuen na nasa 18.9% na may ¥185,000 na pagtaas, Hachioji Jissen at Toyo University Keihoku sa 14.4% o ¥120,000 na pagtaas at Aoyama Gakuin High School nagtaas naman ng ¥100,000.
Sa website ng Tokyo Metropolitan Government makikita ang 2024 tuition fees status, na nagtatampok ng mga listahan ng mga paaralan na may mataas/mababang bayarin at detalyadong impormasyon ng bayad.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan