今週の動画

HIGASHIOSAKA CITY MAMIMIGAY NG 5,000 YEN WORTH OF GROCERIES SA MGA EDAD 65 PATAAS BILANG TULONG SA PATULOY NA PAGTAAS NG BILIHIN

Ang Higashiosaka City ng Osaka Prefecture ay mamamahagi ng mga pagkain na nagkakahalaga ng 5,000 yen sa humigit-kumulang 135,000 mamamayan na may edad 65 pataas bilang hakbang ng lungsod upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng mga presyo mula noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, ang karagdagang badyet ng lungsod,na kinabibilangan ng badyet na humigit-kumulang 765 milyong yen para sa mga proyektong ito, ay naaprubahan sa pulong ng konseho ng lungsod noong ika-21. Ayon sa lungsod, humigit-kumulang 30% ng mga mamamayan ang makakatanggap ng mga abiso mula sa huling bahagi ng Enero sa susunod na taon.

Papiliin sila ng kanilang mga paboritong produkto tulad ng mga rice coupon o mga de-latang pagkain at instant noodles. Ang mga aplikasyon ay dapat gawin sa pamamagitan ng postcard o online.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!