今週の動画

BLUE TICKET SISIMULAN PARA SA MGA VIOLATIONS SA BATAS TRAPIKO GAMIT ANG BISIKLETA

Plano ng National Police Agency na simulan ang paghihigpit para sa mga edad 16 pataas ukol sa paglabag sa trapiko ng mga nagbibisikleta sa pamamagitan ng pagmumulta. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong ma-improve ang road etiquette at maiwasan ang mga aksidente.  Iminunangkahi na ang pag-amyenda sa Road Traffic Act sa paparating na regular na sesyon ng Diet sa susunod na taon.

Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, sa ilalim ng sistema, ang mga maliliit na paglabag ay magreresulta sa isang “blue ticket” at ang pagbabayad ng multa ay pag-aabsuwelto sa mga indibidwal mula sa karagdagang mga penalty.  Ito ay parehong format para sa mga sasakyang de-motor.

Pagkatapos kumonsulta sa mga pamilyang naapektuhan ng mga aksidente sa bisikleta, isang ekspertong panel sa National Police Agency ang nagpasiya na ang pagpapatupad ng isang sistema para sa paggamit ng bisikleta.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!