今週の動画

ELECTRONIC DEVICE NANGUNGUNA SA MGA REGALONG GUSTONG MATANGGAP NG KABATAAN SA JAPAN NGAYONG DARATING NA PASKO

Ang Bandai, kumpanyang gumagawa ng laruan ng mga bata sa Tokyo, ay naglabas ng kamakailang survey tungkol sa mga regalo sa Pasko para sa mga batang may edad na 3 hanggang 12. Sa unang pagkakataon simula noong 1995, ang mga electronic device tulad ng cellphone, tablet, at computer ang nakapasok sa top list.

Ang pinakagustong regalo ng mga bata para sa ikatlong sunod na taon ay ang “game software” (19.0%), na sinusundan ng “game consoles” (7.0%) at “character impersonation/transformation toys” (4.8%). Ang mga electronic device, sa 3.8%, ay nalampasan ang “stuffed animals” (3.3%) para sa ikalimang pwesto.

 

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!