100,000 YEN NA GIFT CERTIFICATES IBIBIGAY SA MGA BAGONG KASAL NA UNDER 30 YEARS OLD SA SAKAI CITY
Ang Sakai City sa Fukui Prefecture ay nag-aalok ng tulong pinansyal sa mga bagong kasal sa pamamagitan ng 100,000 yen na gift certificate. Bukas ang mga aplikasyon sa website ng lungsod hanggang ika-20 ng Disyembre.
Kasama sa qualification ang pagiging rehistradong residente ng Sakai City na nagpaplanong manirahan doon nang hindi bababa sa isang taon. Noong nakaraang taon, inumpisahan ang inisyatibang ito ngunit hanggang 30 taong gulang lamang. Subalit sa taong ito pinalawig ito hanggang sa mga 31 taong gulang pataas.
Ang mga mag-asawang ikinasal pagkaraan ng ika-21 ng Disyembre noong nakaraang taon, parehong wala pang 30, ay makakatanggap ng 100,000 yen na gift certificate na magagamit sa 330 mga tindahan sa lungsod hanggang Pebrero ika-29.
Ang mga lampas sa 31, kasal pagkatapos ng Abril 1 sa taong ito, ay makakakuha ng kupon na may 20,000 yen na gift certificate at isang 30,000 yen na travel coupon para sa isang city travel agency.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan